Hinimok ng Department of Health ang mga Pilipino na magsuot ng face mask sa mataong lugar sa gitna ng banta ng COVID-19 habang ipinagdiriwang ng mga mananampalataya ng Katoliko ang Semana Santa.
Kung matatandaan, pinaluwag na kasi ng Pilipinas ang panuntunan sa pagsusuot ng maskara noong nakaraang taon kasunod ng pagbaba ng antas ng impeksyon.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, marapat na magsuot pa rin ng facemask upang matiyak ang kaligtasan laban sa nakamamatay na sakit.
Hiniling din ni Vergeire sa publiko na magpabakuna at magkaroon na ng booster doses.
Ang Semana Santa, mula Abril 2 hanggang Abril 9 ay ang pinakamahalagang linggo sa Christian liturgical calendar
Nagtala ang departamento ng 29 porsiyentong pagtaas sa mga kaso ng COVID-19 noong nakaraang linggo, kung saan nakapagtala ang bansa ng average na pang-araw-araw na kaso na 268.
Ngunit sinabi ni Vergeire na ang pagtaas ay hindi isang dahilan para sa pag-aalala, idinagdag na ang mga admission sa ospital ay mapapamahalaan pa rin.
Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay mayroong kabuuang bilang na 9,463 aktibong kaso ng COVID-19.