Kasunod ng pagtama ng malakas na magnitude 6.8 na lindol na ikinamatay kamakailan ng mahigit 2,000 katao sa Morocco, pinayuhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga Pilipino na maging handa sa malalakas na lindol.
Naniniwala si Phivolcs Director Teresito Bacolcol na mas handa na ang Pilipinas ngayon kumpara noong 20 o 30 taon na ang nakalipas dahil sa quarterly earthquake drill na inoorganisa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Sa kabila nito, sinabi ng opisyal na dapat pa ring maghanda ang mga tao sakaling tumama ang malakas na lindol sa bansa.
Pinayuhan din ni Bacolcol ang publiko na maghanda ng emergency bag at pagkain na maaaring tumagal ng hindi bababa sa tatlong araw.
Binanggit din ng Bacolcol ang mga hakbangin ng mga local government units (LGUs) sa paghahanda ng kanilang mga komunidad laban sa posibleng malakas na lindol.
Inihalimbawa ng Phivolcs official ang Quezon City government na patuloy na nagpapaalala sa mga may-ari ng bahay at residenteng apektado ng West Valley Fault na umalis at lumipat sa fault line.
Ang mga lungsod naman ng Pasig at Makati ay nagsasagawa rin ng mga hakbangin para i-delineate ang 5-meter buffer zone.