Nagbabala ang isang environmental watchdog sa publiko kaugnay sa 11 pampaputing cosmetics na ipinagbawal sa Amerika dahil naglalaman ang mga ito ng mercury na ibinibenta sa mga Pilipino.
Ayon sa EcoWaste coalition, ang nasabing produkto ay mayroong seryosong banta sa kalusugan ng mga kababaihan na kadalasang gumagamit ng produkto gayundin sa mga household members partikular na ang mga bata.
Ibinunyag din ng grupo na kanilang binili ang nasa 11 skin lightening products na gawa sa China, Pakistan at Thailand na nadiskubreng naglalaman ng mercury .
Base sa isinagawang chemical screening ng grupo, napag-alamn na ang nasabing mga produkto ay kontaminado ng mataas na lebel ng mercury na nasa 2,230 hanggang 58,400 parts per million (PPM) na mas mataas sa global limit ng isang par per million (PPM).
Kabilang sa 11 mercury-laced products na ito na tinukoy ng New York City Health Department (NYCHD) na naglalaman ng mercury ay gawa mula sa Pakistan, ang Chandni Whitening Cream, Faiza Beauty Cream, Golden Pearl Beauty Cream, Goree Beauty Cream, at Sandal Beauty Cream.
Nabatid na ang paggamit ng produktong na mayroong mercury ay maaaring makasira sa balat, magdulot ng rashes at batik-batik at grayish na kulay ng balat.