-- Advertisements --

Inirekomenda ng mga alkalde sa Metro Manila na taasan ang kapasidad sa mga pampublikong sasakyan sa oras na isailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) sa Marso.

Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, ang proposal ng National Economic and Development Authority (NEDA) ay itaas sa 70 percent ang transportation capacity mula sa 50 percent sa kasalukuyan.

“We are one in that, we need to expand and have more higher frequency travels to provide safe and Covid free, and viable in terms of cost of public transport system,” ani Teodoro sa isang panayam.

Sa ngayon, sinabi ng alkalde na mahaba ang pila ng tao sa mga terminal, kaya mas mahaba rin ang exposure ng mga ito sa banta ng COVID-19.

Umapela rin ang mga mayors sa Metro Manila sa Department of Transportation na bumalangkas ng transport guidelines para sa mass transport system sa MGCQ areas.