ILOILO CITY- Tiniyak ni Ms. Margaret Ruth C. Florete, President/Chief Executive Officer ng Bombo Radyo Philippines, na magiging prayoridad ang public service at magiging dominant ang Bombo Radyo Philippines sa radio broadcasting sa kabila ng pagbabago sa larangan ng digital platforms.
Sa State of the Network Address ni Ms. Florete kasabay ng 2020 Top Level Management Conference sa lungsod ng Iloilo, sinabi nito na tututukan ng network ang full transformation para sa paghatid ng totoong balita sa publiko lalong-lalo na sa mga masugid na tagapakinig ng Bombo Radyo Philippines.
Maliban sa First, Fast and Accurate na pagbabalita, mas paiigtingin pa ng network ang pagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng Corporate Social Responsibility projects kagaya ng Bombo Medico, Dugong Bombo at Bombo Music Festival.
Kasabay nito, tiniyak din ni Ms. Florete na sinusunod ng lahat ng empleyado ng network ang ethical standards at ang Code of Discipline sa pagbabalita at nagpapakita ng professionalism.
Binigyan diin rin ni Ms. Florete na pinaninindigan ng Bombo Radyo Philippines ang pagiging reliable radio station na mapapakinggan sa radio set o mobile phones sa pamamagitan ng Bombo Mobile Application.
Napag-alaman na ang Top Level Management Conference ang taunang pagtitipon ng Senior Officers ng Network na pinangungunahan ng Chairman Emeritus na si Dr. Rogelio M. Florete, Area Managers, Station Managers, News Directors at Chief Technicians.
-- Advertisements --