-- Advertisements --
image 270

Nananawagan ang ilang public teachers sa gobyerno na ibaba ang kanilang optional retirement age sa 57 upang payagan silang matamasa ang kanilang mga benepisyo sa pagreretiro habang sila ay may lakas pa.

Para isulong ang adbokasiya na ito at ipagdiwang ang World Teacher’s Month, humigit-kumulang 200 guro ang nagsagawa ng motorcade sa Mandaluyong City ngayong Linggo.

Umapela din ang mga guro para sa pagtaas ng suweldo, pagbabawas ng kanilang oras ng trabaho, pagtaas ng kanilang mga benepisyong medikal, at pagbibigay sa kanila ng hazard pay, at iba pa.