-- Advertisements --
ILOILO CITY – Isinailalim sa granular lockdown ang Public Market ng Lambunao, Iloilo matapos makapagtala ng mahigit sa 20 kaso ng COVID-19.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Vice Mayor Arvin Losaria, sinabi nito na Agosto 11, 2021 nang isinailalim sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test ang 44 mga indibidwal at lumabas na 21 ang nagpositibo sa virus ang mga vendors.
Ayon sa bise alkalde, posibleng sa susunod na linggo pa muling magbubukas ang kanilang public market.
Sa ngayon, mayroong 215 na mga active cases ang bayan ng Lambunao, kung saan 159 ang naka home quarantine, 29 ang naka facility quarantine at 18 ang admitted sa ospital.