-- Advertisements --

Hindi sang-ayon si Vice President Leni Robredo sa panibagong pwersa ng militar na pinwesto ng pamahalaan para bantayan ang sitwasyon ng COVID-19 sa Cebu City, na isa sa may pinakamataaas nang bilang ng kaso ng sakit sa bansa.

Binigyang diin ni VP Leni na hakbang para sa public health dapat ang binigyang prayoridad ng gobyerno sa pagtugon sa sitwasyon ng Cebu dahil magdudulot ng labis na takot sa mga residente ang karagdagang presensya ng mga sundalo.

“I saw pictures of Cebu yesterday from the news and iyong nakikita ko military tanks. Parang hindi siya magandang visualization for the people na this is a health pandemic, bakit may mga tanke sa daan?”

“Iyong sa akin, the military has been very helpful even to our office, pero I think, we should take a more public health approach.”

Inihalimbawa ng bise presidente ang ginawang hakbang ng Iloilo City, at kung paano nakuha ng local government unit ang pakikipagtulungan ng komunidad.

“I think right now they have four, if I am not mistaken, four active cases. Tinatanong siya, “what did you do.” Kinukuwento niya, wala nga silang inarrest na anyone for curfew violation kasi iyong tao naiintindihan niya why they had to do it.”

“If people understand that they have a stake, that they have a responsibility that governance is a shared responsibility, mas magiging cooperative sila rather than tinatakot. Ang problema ko dito, kapag nakikita na ng mga tao iyong tanke, “ano ba ito, giyera?” and iyong giyera natin dito against COVID-19 and hindi ito nadadaan sa pagso-sow ng fear among the constituency.”

Nitong linggo nang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Environment Sec. Roy Cimatu bilang punong tagamasid ng COVID-19 response sa Cebu City.

Ang posisyon ng kalihim ay katumbas daw ng pinuno ng Inter-Agency Task Farce sa buong bansa.

Sa kabila ng mga pangamba, nilinaw ng Malacanang na walang martial law sa Cebu City.