Tutulong na rin ang Public Attorney’s Office (PAO) para mapalaya ang mga overstaying detainees na nasa mga piitan ng mga police station sa buong bansa .
Ayon kay PAO Chief Persida V. Rueda-Acosta, kanilang gagalugarin ang lahat ng mga jail facilities para matukoy kung may mga inmates na dapat ng lumaya subalit nananatili pa rin sa mga piitan ng mga police station.
Nakikipag-ugnayan na rin ang PAO sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para mapalaya ang mga inmates na dapat ay napalaya na.
Aniya, magsusumite ang bawat public attorney ng kanilang report sa PAO chief ng mga inmates na napalaya na at naatasan din ang mga PAO lawyers na taasan pa ang bilang ng mga person deprived of liberty (PDLs) na kanilang mapalaya mula sa detention.
Mula sa dating isang daan kada buwan, target ng PAO na mapalaya ang nasa 200 inmates kada buwan.
Ayon kay Acosta ang mga naarestong indibdiwal ay dinadala sa police detention facilities bago ilipat ang mga ito sa BJMP facility habang nakabinbin pa sa korte ang kanilang nacommit na criminal cases.
Una rito, ayon sa PAO chief, na-tap ang kanilang opisina na tumulong para sa decongestion ng mga piitan sa bansa sa pamamagitan ng pagsiyasat sa mga records ng mga inmates.
Nitong Martes lamang, Steyembre 13 nang palayain ang nasa 371 PDLs mula sa Muntinlupa City kabilang ang mga tinulungang makalaya ng PAO.
-- Advertisements --










