-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Hinikayat ng isang mental health advocate ang mga kabataan na nasa nasa online classes na ingatan ang kalusugan ng isip.

Inihayag ni Elle De Villa, psychometrician sa Bombo Radyo Legazpi na marami ang nagpahayag ng stress sa mga online classes hindi lamang sa mga estudyante kundi maging sa mga guro.

Naniniwala si De Villa na upang magkaroon ng transfer of learning ay kaylangan ang psychosocial support sa mental health.

Karaniwang nagpapabigat sa isip ng mga mag-aaral ang responsibilidad sa pamilya lalo na kung hindi nakayanan ng mga magulang ang pagpapa-aral, pahod at pisikal na karamdaman, kawalan ng epektibong time management at social interaction at marami pang iba.

Ang ilan pa aniya ay hindi na nakakayanan ang mga ito ay nauuwi sa pagkitil sa sariling buhay.

Dahil dito, apela ni De Villa sa mga mag-aaral na maging bukas sa problema sa mga guro o guidance counselor.