-- Advertisements --
Tiniyak ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann na kanilang tutugunan ang problemang pinansiyal na ibinunyag ni Pinoy pole vault player EJ Obiena.
Sinabi ng PSC chairman na nakipag-ugnayan na sila sa kampo ni Obiena ukol sa usapin.
Nakausap na nila ang kampo ni Obiena at tiniyak sa kanila ang pagresolba sa nasabing usapin.
Makikipag-ugnayan rin sila sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at pabibilisin na resolbahin ang problema.
Magugunitang ibinunyag ni world’s top 3 pole vaulter sa kaniyang social media na hindi na ito makakapaglaro sa Asian Indoor Championship sa Kazakhstan dahil sa kakulangan ng pondo.