-- Advertisements --

Philippine Sports Commission, hatagan og kopya sa resolusyong nanawagan og komprehensibong imbestigasyon sa pagkamatay
Unread post by news.butuan » Thu Jun 11, 2026 5:50 am

BUTUAN CITY – Aprubado sa Sangguniang Panlalawigan ng Agusan del Sur ang Resolution No. 317-26 na humihiling ng isang transparent at komprehensibong imbestigasyon upang matukoy ang lahat ng sitwasyong may kaugnayan sa hindi inaasahang pagpanaw ni Rene Clert “Bobet” Baterbonia.

Sa pamamagitan ng nasabing resolusyon na pinangunahan ni Sangguniang Panlalawigan Member Nilo Manpatilan, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng transparency, accountability, at due process upang matiyak na masagot ang mga katanungang bumabalot sa insidente at mapanatili ang tiwala ng publiko sa proseso ng imbestigasyon.

Matapos itong na-aprubahan sa sesyon na pinangunahan ni Agusan Del Sur Vice Governor Patricia Anne Plaza, bibigyan ng kopya sa nasabing resolusyon ang Philippine Sports Commission o PSC.

Nabatid na hustisya ang sigaw ng pamilya Baterbonia sa pagkamatay ni Rene Baterbonia habang nasa boot camp ng Ateneo Blue Eagles men’s basketball sa Dipaculao, Aurora noong Lunes, Hunyo 8.

Ang biktimang si Rene Clert “Bobet” Baterbonia ay residente ng Talacogon, Agusan Del Sur ngunit dala nito ang Davao Region sa paglalaro sa Palarong Pambansa kungsaan sa nakaraang taon ay nakuha nito ang Most Valuable Player o MVP.

Maglalaro sana ito bilang rookie sa UAAP Season 89.