Nagdiwang ang Filipino community sa New York, mga fans, lalo na ang pamilya ng Pinay tennis sensation na Alex Eala matapos magtagumpay at ma-secure ang spot patungong finals ng Junior US Open girls.
Una rito, gumuhit ng kasaysayan si Eala makaraang maipanalo ang laro patungong final game kontra sa seeded number 9 na Canadian na si Victoria Mboko.
Todo naman ang pagbati at pagmamalaki ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman na si Noli Eala sa kanyang pamangkin.
Kaugnay nito, nagpaabot ito ng pagbati at suporta matapos maipanalo ang laro.
Ilang grupo naman mula sa Filipino community ang bumuhos din at personal nag-cheer at ibinandera ang watawat ng Pilipinas sa Flushing Meadows.
Ang kaabang na championship game ay gaganapin bukas sa USTA Billie Jean King National Tennis Center at makatutunggali ang Czech player at seeded number 2 na si Lucie Havlickova. (with report from JC Galvez)