-- Advertisements --

Umaasa si Philippine Sports Commissioner at Hanoi SEA Games chef de Mission Ramon Fernandez na matugunan ng mga organizers ng 31st Southeast Asian Games ang mga inilapit nilang mga reklamo.

Sinabi nito na normal lamang na makaranas ng ilang reklamo ang mga atleta tuwing may ilang mga torneo.

Ilan aniya sa naiparating na nila na reklamo ay ang kawalan ng koordinasyon sa kanilang hotel na tinutuluyan sa organizers, ang kakulangan ng sasakyan na masakyan ng mga atleta papunta sa mga playing venues at ang pagsisiksikan nila o pag-overload ng mga ito sa isang bus na pinangangambahang magkahawaan ng COVID-19.

Dahil dito ay aniya ay naging consequence nito sa mga atleta ay ang pagsasailalim ng mga ito sa antigen test araw-araw.

AV PSC COMMISSIONER/ SEA GAMES CHEF DE MISSION RAMON FERNANDEZ