-- Advertisements --
Pormal na inanunsyo ngayon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagkakatalaga kay PSC Commissioner Ramon Fernandez bilang Team Philippines’ Chef de Mission para sa 2021 Southeast Asian Games.
Una nang sinabi sa Bombo Radyo ni Fernandez na handa siyang alalayan ang mga manlalaro, para mapapanatili ng Pilipinas ang hawak na mga titulo.
Sa ngayon ay hindi pa matiyak ang ibang detalye ng SEA Games 2021 dahil nananatili pa rin ang COVID-19 pandemic.
Gaganapin ang 31st regional biennial sporting event sa bansang Vietnam.
Dito ay inaasahang lalahok ang 11 bansa mula sa Southeast Asia.