-- Advertisements --

Dalawang magkahiwalay na resolusyon na ang nakahain sa Kamara para maimbestigahan ang pagkamatay ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio ng Philippine Military Academy (PMA) dahil sa hazing.

Layon ng mga resolusyon na inihain nina Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin at ACT-CIS Reps. Nina Taduran, Eric Yap at Josephine Tulfo, na masiyasat “in aid of legislation” ang insidente.

Ayon kay Garbin, isa sa mga may-akda ng Anti-Hazing Act of 2018, dapat maimbestigahan ang sinapit ni Dormitoryo para masilip na rin ang protocols na sinusunod ng PMA para sa kanilang mga kadete.

Samantala, nais naman ni Taduran na malaman ang dahilan kung bakit nananatili pa rin ang kultura ng hazing sa PMA kahit pa malinaw na maituturing itong krimen.

Ayon sa naturang mga kongresista, dapat na managot ang mga opisyal ng PMA na mapapatunayang nagpabaya sa kaso ni Dormitorio.