-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang panghihikayat ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles na gumawa ng isang ahensya na nakatutok at mag-aalalaga sa 500-kilometrer long Sierra Madre Mountain Range.

Bilang tulong na rin ito upang protektahan ang naturang biodiverse forest at maiwasan ang pagbaha sa mga lugar sa Luzon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Nograles na nag nararansang pagbaha sa Metro Manila hanggang sa mga bayan ng Cagayan Valley ay nagpapatunay lamang ng kahalagahan ng mga konkretong hakbang upang pangalagaan ang Sierra Madre Mountain Region.

Hindi na raw dapat pang balewalain ang lumalalang pagtaas ng baha sa mga lugar malapit sa Marikina River, maging sa Cagayan Valley, dahil na rin sa unti-unting pagkalbo sa Sierra Madre.

Sa inihain kasi nitong House Bill No. 5634 ay ang pagtatayo ng Sierra Madre Development Authority (SMDA).

Bukod sa pagbibigay ng proteksyon sa naturang mountain range, nakapaloob din sa panukala ang adoption ng iba’t ibang hakbang para paigtingin pa ang development ng indigenous resources ng Sierra Madre region na malaki naman ang maitutulonbg sa economic development ng mga naninirahan dito.