-- Advertisements --

Hindi nagbabago ang Department of Justice sa pagbibigay proteksyon sa mga mamamahayag na nakakatanggap ng mga pagbabanta sa kanilang buhay.

Sinaib ni DOJ Undersecretary Raul Vasquez, na isa ang proteksyon sa mga media ang tinalakay sa pagbisita sa bansa ni United Nations Special Rapporteur Irene Khan.

Tiniyak naman ni Usec Vasquez, na hindi lamang mamamahayag dahil maging ang mga ordinaryong mamamayan ay nakakatanggap ng parehas na pagtrato.

Ilan sa mga ibinigay na halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng proteksyon hindi lamang sa biktima at maging sa mga pamilya nito.