-- Advertisements --

Muling pagtitibayin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kababayan natin sa Berlin at Prague ang commitment ng pamahalaan na mapangalagaan ang kanilang kapakanan at mapaunlad pang lalo ang kanilang kakayanan.

Ayon kay Pang. Ferdinand Marcos Jr, kaugnay ng kanyang biyahe sa Germany at Czech Republic sinabi nito na target nito na mapalalim ang bilateral relations at mapalawak pa ang kooperasyon ng Pilipinas sa dalawang bansa.

Sinabi ng Pangulo, mahalagang mapaunlad din ang labor cooperation sa dalawang bansa sa Central Europe sa gitna ng prayoridad ng kanyang pamahalaan na matiyak ang karapatan at kapakanan ng mga OFW duon.

Makikipagkita din ang Pangulo Kay Federal Chancellor Olaf Scholz sa Berlin kung saan ay ilang kasunduan Kasama na ang Joint Declaration of Intent on Strengthening Maritime Cooperation ang lalagdaan.

Sentro din ng biyahe ng Pangulo ang mapalawak ang economic cooperation sa dalawang Bansa na inaasahang magbubukas ng Marami pang avenue ukol sa mutually beneficial trade and investment opportunities.

Sa kabilang dako inihayag ni Pang Marcos na mayruon pang mga kasunduan ang nasa pipeline na tinatrabaho ng Pilipinas at Czech Republic.

Umaasa ang Pangulo na magiging mabunga ang kaniyang biyahe sa Germany at Czech Republic.