-- Advertisements --

Hindi sapat na batayan para ipitin ang prangkisa ng ABS-CBN dahil lamang sa sinasabi ni Speaker Alan Peter Cayetano na may kinikilingan ang naturang kompaniya noong 2010 at 2016 national elections.

Kung totoo mang may pinanigan ang ABS-CBN sa nagdaang halalan, iginiit ni Lagman na hindi naman ito paglabag sa prangkisa nito.

Sinabi ng kongresista na iginagawad ng freedom of the press ang pagpapahayag ng mga media outlets nang kanilang pagsuporta o disgusto sa anumang adbokasiya, usapin o personalidad, maliban na lamang kung libelous ang telecast o broadcast.

Malinaw din aniya itong nakasaad sa ilalim ng prangkisa ng ABS-CBN na iginagawad ng pamahalaan.

“It’s not prohibited to take sides in exercise of press freedom and freedom of expression,” ani Lagman. “Critical commentary or reasonable bias is protected by the expansive veil of freedom of the press and free speech. It is tolerable and not sanctionable.”

Inihalimbawa pa rito ng kongresista ang Fox News na matindi ang ginagawang pagdipensa kay US President Donald Trump habang ang CNN naman ay tumatayong kritiko.