Lubos ang pasasalamat ni Act Teachers Partylist Rep France Castro kay House Speaker Lord Allan Velasco sa ginawa nitong pagtatanggol at pagbibigay proteksiyon sa Makabayan Bloc laban sa akusasyon ni Armed Forces of the Philippines-Southern Luzon Command Chief Lt General Antonio Parlade na ang mga progressive lawmakers ay miyembro ng Communist Party of the Philippines(CPP).
Sa isang panayam kay Castro, inamin nito na hindi nila inasahan ang pagtatanggol ng House Leadership sa red tagging issue laban sa kanila, aniya, ngayon lang sya nakarinig ng ganitong klase na House Speaker.
“Lubos namin pinasasalamatan si Speaker Velasco. Yung ginagawa nyang pagtatanggol sa kanyang kasamahan lalo na sya ay Speaker, ngayon lang ako nakarinig ng Speaker na ganto,” pahayag ni Castro.
Una nang sinabi ni Parlade na tagapagsalita din ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflct (NTF-ELCAC). na ang Makabayan Bloc members at maging si dating Bayan Muna Rep Neri Colmenares ay under surveillance dahil sa pagiging “card bearing” members ng CPP, ang impormasyon umano na ito laban sa mga progressive solons ay hindi galing sa military kundi mismong sa mga dating CPP members na nagbalik-loob na sa gobyerno.
Ang Makabayan Bloc ay kilalang kiritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaan na noong 2016 sa kanyang talumpati sa 1st Infantry Division sa Labangan, Zamboaga del Sur ay una na ding sinabi ni Pangulong Duterte na ilang partylist sa Kamara ay may kaugnayan sa CPP at nagpopondo sa armed wing nito na New Peoples Army(NPA).
Sa ipinalabas na statement ni Velasco sinabi nito na apektado sya sa ginagawang red-tagging ni Parlade sa House members.
“As Speaker of the House, I am duty bound to protect them from potential harm due to these careless accusations”pahayag ni Velasco kung saan sinabihan nito si Parlade na maging maingat sa kanyang pananalita laban sa mga House members.
“We may not not agree with them on certain issues but be mindful that these lawmakers are duly elected representatives of the people, and implicating them on issues that have yet to be substantiated Is uncalled for”dagdag pa ni Velasco.
Sinabi ni Castro na mali ang ginagawa ng Duterte security forces na lahat na lang ng nagsasalita sa isyu na pinaglalaban ng makakaliwang grupo at tumututol sa mga polisiyangg inagawa ng Duterte administration ay binabansagang kaannib ng teroristang grupo.
Gayunpaman dahil sa naging pagtatangol sa kanila ni Speaker Velasco ay naramdaman nilang protektado sila.
“Kahit paano we feel protected and assured kami sa pahayag ni Speaker, pero syempre ingat pa rin kami sa aming kaligtasan aware na kami sa aming security,” pagtatapos pa ni Castro.