CENTRAL MINDANAO-Abot sa129 na mga hayop ang natuunan ng pangkalusugan sa Brgy. Bannawag Kabacan Cotabato sa pangunguna ng LGU Kabacan Agri Office katuwang ang OPVET.

12 na kalabaw, 6 na baka, at 7 na kambing ang nabigyan ng supplementation habang 95 na aso at 9 na pusa ang naabutan ng anti rabies.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Kabacan Liga ng mga Barangay President Evangeline Pascua-Guzman sa tulong ng LGU sa mga barangay ganoon din sa suporta ng OPVET.

Malaki umano ang maitutulong nito upang mapanatiling malusog ang mga alagang hayop.

Paalala ni Mayor Herlo Guzman Jr sa mga nag-aalaga ng aso at pusa na paturukan ito ng anti rabbies.