-- Advertisements --

Tuloy na tuloy na ang inagurasyon ni VP-elect Sara Duterte Carpio sa Davao sa Hunyo 19, araw ng Linggo.

Ito ang inanunsiyo ng opisina ng VP-elect ngayong araw.

Magsisimula ang inagurasyon sa San Pedro Square sa oras na alas-3:00 ng hapon at magtatapos ng alas-11:00 ng gabi.

Papayagan ang publiko sa venue ng inagurasyon simula alas-2:00 ng hapon.

Magsisimula ang event sa pamamagitan ng thanksgiving mass sa San Pedro Cathedral na pangungunahan ni Archbishop Romulo Valles.

Mapapanood din via livestream sa FB at sa LED walls ng San Pedro Street mula corner ng CM Recto at Anda Streets, Bolton Street, at hanggang sa corner ng Magallanes at Rizal Streets ang buong mga aktibidad.

Susundan naman ito ng inaugural ceremony dakong alas-4:30 ng hapon.

Manunumpa bilang ika-15 pangalawang pangulo ng bansa si Mayor Sara kay Supreme Court Justice Ramon Paul Hernando.

Nagpaalala naman ang kampo ni VP-elect Sara sa publiko na dadalo na obserbahan ang health and safety protocols at lahat ng mga attendees ay dadaan sa security screening sa kanilang pagpasok sa inauguration venue.

Samantala, pagsapit naman ng alas-6:00 hanggang gabi ay isasagawa na ang “Musikahan-Pasasalamat.”