-- Advertisements --

Patay ang professional rally driver at YouTube star Ken Block matapos itong maaksidente lulan ang snowmobile.

Ayon sa Hoonigan Racing Team kung saan kabilang ang 55-anyos na si Block, nangyari ang aksidente umano sa Wasatch County, Utah.

Sa imbestigasyon ng Wasatch County Sheriff’s Office, nadaganan si Block ng kaniyang snowmobile.

May mga kasama itong iba subalit mag-isa lamang siya ng mangyari ang aksidente.

Nagsimula siya sa rally racing noong 2005 at nagsimula siyang lumaban sa FIA World Rally Champioinship (WRC) circuit sa Mexico.

Limang beses din itong nagwagi ng X Games medals sa RallyCross mula 2006 hanggang 2015.