-- Advertisements --
Naitala ang pagbaba ng produksyon sa sektor ng pangisdaan sa unang tatlong quarter ng kasalukuyang taon.
Nakapag-ambag ang sektor ng pangisdaan ng hanggang P58.72 billion na halaga ng produksyon o katumbas ng 14.2% ng kabuuang agricultural output.
Ito ay bumaba ng 6.1% kumpara sa naging produksyon noong nakalipas na taon.
Karamihan sa mga naitalang pagbaba ay ang produksyon ng hipon, tuna, sardinas, alimango, bangus, at iba pang uri ng isda, na karaniwan ay mula sa capture fisheries.
Sa kabila nito, naitala naman ang pagtaas ng produksyon sa iba pang industriya na nasa ilalim ng Fishing sector.
Kinabibilangan ito ng seaweeds industry o industriya ng halamang-dagat, galunggong, yellowfin tuna, tilapia, at maging ang matangbaka.