Tumaas ang produksyon ng karne ng manok, baka, at baboy sa bansa, sa unang kwarter ng 2023.
Batay sa ulat ng PSA, umabot ang produksyon ng karne ng manok sa 470,210 Metric tons ngayong taon. Mas mataas ito ng 3.3% kumpara sa 455,040 Metric tons sa kaparehong period noong 2022.
Samantala, umangat naman ng 4.2 percent ang total swine inventory sa bansa nitong unang kwarter. Umabot kasi sa 10.8Million heads ang naitala sa pagtatapos ng Marso ng kasalukuyang taon, habang noong Marso ng 2022 ay mayroon lamang 9.77 million heads.
Para sa cattle production naman, umangat ang produksyon ng bansa sa 1.9%, mula 52,890MT noong unang kwarter ng 2022 papuntang 53,890metric tons ngayong taon.
Para sa manok, nagsisilbing top producer dito ang Central Luzon, sunod ang Calabarzon at Northern Mindanao.
Ang Calabarzon Region naman ang nakapagtala ng pinakamataas na produksyon ng karne ng baboy, hawak ang 14% share sa total hog production.
Para sa Cattle production, ang Central Visayas ang nakapagtala ng may pinakamaraming produksyon at populasyon ng baka, na may kabuuang 341,060 heads.