-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Bahagyang bumaba ang produksyon ng manok at itlog sa ikalawang rehiyon dahil sa umiiral na restriction sa importasyon bunsod ng banta ng Avian Flu o Bird flu.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2, sinabi niya na bagamat may production ng manok at itlog sa rehiyon ay hindi ito sapat dahil sa ngayon ay 98% pa lamang ang production na inaasahang lalo pang bababa dahil sa umiiral na restriction sa importasyon ng poultry products.

Aniya, maraming mga breeder ng manok ang natakot dahil sa mga naitalang kaso ng bird’s flu.

Sa ngayon ay patuloy ang monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga processed products habang ang DA ay abala sa monitoring sa presyo ng live weight ng baboy na naglalaro na lamang sa P120 bawat kilo at presyo ng bawat kilo sa buhay na manok na naglalaro sa P190.

Umaasa ang DA Region 2 na alisin na ang restriction sa importasyon ng manok o breeder na manok mula sa Czech Republic at Estados Unidos.

Pinakamahusay na alternatibong supply ng manok at itlog ay ang pag-aalaga ng free range chicken o native na manok na maaaring alagaan sa bakuran ng bawat pamilya at magamit sa panganagilangan sa kusina.