Nakatakdang ipatupad ng Department of Agriculture na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang production development plan para sa Philippine corn industry at iba pang agriculture products.
Ito ay bahagi pa rin ng food security commitment na itinatauguyod ni Pangulong Marcos Jr. na dito ay inaasahang makakabenepisyo ang livestock, poultry at dairy sectors.
Ang programa ay makapagpapalakas sa paglago pang lalo sa industriya ng pagmamais na dito ay nakikita ang potensiyal na ani ng lima hanggang anim na tonelada sa kada ektarya.
Sa ilalim din ng programa ay mapapaunlad ang drought at disease tolerance ng mga mais habang patataasin din ang protein content.
Gagawin ang corn development initiative sa pamamagitan ng Regional Field Office Cagayan Valley sa koordinasyon ng National Corn Program, Bureau of Agricultural Research, at Ng Agricultural Training Institute.