Isa raw ang pagbuo ng Inter-Agency Technical Specifications Review Committee sa mga reform initiatives ngayon na pangungunahan ng Procurement Service ng Department of Budget and Managemet.
Ito ay para sa sustainable track ng government procurement.
Una rito, nag-convene daw ang Procurement Service (PS), ang purchasing arm ng Department of Budget and Management (DBM) para bumuo ng isang komite na naatasang ipursige at ipatupad ang “Green Public Procurement (GPP)” sa pamahalaan.
Sinabi ni PS-DBM executive director Dennis Santiago, ang pagtatatag daw ng Inter-Agency Technical Specifications Review Committee (IATSCR) ay magiging daan para sa ahensiya na i-assess, i-review at i-evaluate ang mga existing Common-Use Supplies and Equipment (CSE) Technical Specifications para makasunod sa local at international standards.
Ang Common-Use Supplies and Equipment na mga items ay kinakailangan ng gobyerno para sa araw-araw na operasyon na kinabibilangan ng mga ballpen, palel, staplers, paper clips at folders na binili sa ilalim ng PS-DBM sa kada quarter ng taon.
Ang Inter-Agency Technical Specifications Review Committee rin ang mamamahala sa environmental, social at economic aspects ng public acquisition kasama na ang Sustainable Development Goal (SDG) 12 on Responsible Consumption and Production.
Ang Green Public Procurement ay isang proseso kung saan ang mga public authorities ay kailangang bumili ng goods, services at at magtatrabaho sa napaikling environmental impact sa kabuuan ng kanilang life cycle.
Agad namang pinapurihan niBudget Secretary Amenah Pangandaman si Santiago at binigyang diin na ang green procurement ay isa ring responsible procurement.
Maliban naman sa PS-DBM, ang mga miyembro ng Green Public Procurement ay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Science and Technology (DOST), Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Energy (DoE).
Naitatag ang PS-DBMnoong Oktubre 18, 1978 na nagmamandato sa pag-operate ng centralized procurement ng Common-Use Supplies and Equipment para sa buong gobyerno.