Umaasa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tuluyan ng mawawala ang reklamo laban sa mga bus na dumadaan sa EDSA bus carousel.
Kasunod ito sa ginawang pagpupulong ng MMDA kasama ang mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ang PNP-Highway Patrol Group (HPG) sa mga tranport consortium at bus operators.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga reklamong ipinaparating ng mga mananakay ng EDSA bus carousel.
Ilan sa mga problema na tinalakay ay ang pagdispatch sa mga bus, hindi pagsunod sa loading at unloading area ng mga pasahero at ilang mga pasaway na mga drivers.
Sinabi ni MMDA General Manager Procopio Lipana, na kabilang na tinalakay din ang pagpaparehistro ng mga driver sa MMDA Bus Management and Dispatch System para kanila itong agad na mamonitor ang sinumang lumalabag sa batas trapiko.
Babantayan ng LTFRB ang mga pagkalat ng mga colorum na mga bus habang nakatutok ang HPG sa mga pagkalat ng mga namamalimos.