-- Advertisements --
Ipinag-utos ni Bulacan governor Daniel Fernando ang total ban sa mga pagpasok ng mga live pigs at meat products mula sa lugar na apektado ng African Swine Fever (ASF).
Sinabi ng gobernador na naglabas na ito ng Executive Order para matiyak na ligtas ang mga babuyan sa kanilang lugar.
Nakasaad sa nasabing kautusan na tuluyang ipagbabawal ang pagpasok ng mga karne, luto man o hilaw mula sa mga lugar na natukoy ng National Task Force for Prevention of ASF na laganap ang ASF.
Ilan sa mga ginawa nilang habang ay ang pagsasagawa ng mga biosecurity seminars at nabigyan din ang mga ito ng disinfectants para matiyak na hindi kakalat ang ASF.