Nangako ngayon ang Police Regional Office (PRO-7) ng “full support” sa mga sakop ng media sa Central Visayas sa usapin ng seguridad.
Ito ang siniguro ni PRO-7 Director Police Brigadier General Roderick Augustus Alba sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag ngayong araw, Oktubre 17.
Sinabi pa ni Alba na hindi pa umano nila gustong may masamang mangyari sa mga sakop ng media kaya upang maiwasan ang anumang krimen ay isumbong agad sa pulisya lalo na kung makatanggap ang mga ito ng banta sa buhay.
Ipinag-utos na rin umano nito sa mga hepe na kaagad magsagawa ng dialogue sa isang regular na batayan para marinig ang mga hinaing at mga alalahanin ng mga journalists sa rehiyon.
Samantala, sa usapin naman kung gaano ka-transparent pagdating sa media access, bukas naman umano ang kanilang linya ng komunikasyon pero case to case basis lalo na kung maaaring malagay sa panganib ang isang imbestigasyon.
Ginagawa din nila umano ng maayos ang kanilang trabaho at kailangan itong ipaalam sa publiko sa pamamagitan ng media.
“We do our job well. we have to inform the people through our media. Sa situation naman na hindi muna magrelease (ng infos) ang kasamahan, media should understand because these are all operational data. It may jeopardize the investigation,” saad ni Alba.
Bilang bagong direktor ng PRO-7, bnigyang-diin ng opisyal na uunahin niya kung ano ang ‘urgent’ at importante para sa mga tao sa rehiyon.
“I will be an inspiring leader. I will be a critical thinking leader. I will prioritize what is urgent and important to the people of Central Visayas. We will be analyzing kung ano ang uunahin namin,” dagdag ng opisyal.
Ipagpapatuloy pa rin umano nito ang kampanya laban sa iligal na droga, krimen at ibang mga paglabag sa batas.