-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Isiniwalat ni Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel na isang alkalde ang nagmamay-ari ng resort na pinagtataguan ni KAPA (Kabus Padatoon) founder Joel Apolinario at ng mga kasamahan nito.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Governor Pimentel, nagsagawa aniya ng search operation ang mga kapulisan sa lugar na pinagtagaguan nito kung saan nahuli ang mga ito at nakumpiska ang mga matataas na klase ng baril.

Ayon sa gobernador, kanyang tinawagan ang alkalde pero wala rin daw itong kaalaam-alam na doon ito namamalagi.

Matagal na raw ibinenta ng alkalde ng Lingig ang nasabing resort at posiblenga nabili ni Apolinario gamit ang isang “dummy” account.

Nagpaalala naman ang gobernador sa lahat na dapat mag-ingat sa mga pinapasukan na investment katulad ng naging operasyon ng KAPA na maraming ang na biktima at apektado.