Lumalala ang kakulangan ng nurses sa mga pribadong pagamutan, habang tumatagal ang COVID-19 pandemic.
Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP) president Dr. Jose Rene De Grano, nasa kalahati ng mga nurse sa kanilang mga pagamutan ang nawala dahil sa iba’t-ibang rason.
Katumbas umano ito ng daan-daang libo na umalis sa bansa o lumipat sa government facilities.
Kinontra rin ng PHAP ang pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may mahigit 400,000 ready-to-work nurses pa sa Pilipinas, dahil wala raw itong basehan.
Sinabi pa ni De Grano, nakaranas sila ng pagkalugi sa unang pagtama pa lang ng COVID-19, kaya hirap sila hanggang ngayon na makabawi.
Sa kasalukuyan, problema rin ang supply ng bakuna dahil government hospitals ang unang nabigyan ng bakuna, ngunit patuloy naman ang pagtanggap nila ng mga bagong pasyente na may deadly virus.










