-- Advertisements --
Nagpasya na ang private concessionaire na nag-ooperate sa open parking space sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 na kanilang sasagutin ang mga nasunog na 19 na sasakyan dahil sa grass fire nitong Lunes ng hapon.
Kinumpirma ni Atty. Chris Bendijo ang tagapagsalita ng Manila International Airport Authority (MIAA) kung saan hinihintay pa nila ang pinala imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection.
Mayroong pitong may-ari ng sasakyan ang nakipag-ugnayan sa kanila habang ang iba pa ay kanilang kinikilala pa ang may-ari.
Pagtitiyak nito na tutulong ang MIAA para sa nasabing imbesitgasyon sa insidente.