-- Advertisements --

Nangako si House Majority Leader at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez na kanilang ipapasa nila ng maaga ang 12 mula sa 26 na priority bills na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) nito noong Lunes.

Sa pamamagitan aniya ng mga “innovations” na balak nilang ipatupad sa mga committee deliberations, maipapasa raw nila “in record time” ang panukalang bumuo ng Department of Disaster Resilience, National Land Act, Coconut Levy Fund, Trabaho bill, alcohol taxes, property valuation, capital income tax, Mandatory ROTC for Grade 11 and 12 students, government rightsizing bill, energizing micro, small and medium enterprises, National Transport Act at Nuclear Regulatory Commission.

Umaasa siya na sa unang linggo ng Agsto ay matatapos na ang committee reports ng mga inihaing panukala upang sa gayon ay maisalan na rin ang mga ito sa deliberasyon sa plenaryo at maaprubahan na rin sa lalong madaling panahaon.

Maari rin aniyang magsagawa ng isang sesyon ang House panels na hahawak sa mga priority measures na ito at kaagad na i-refer ang committee reports para rito para sa plenary deliberation.

Kung masunod ito, hindi malabo na maaprubahan na rin ng Kamara ang mga panukalang ito sa ikatlo at huling pagbasa sa huling linggo ng Agosto o Setyembre.