-- Advertisements --

Ibinunyag ni Princess of Wales Kate Middleton na siya ay may cancer at nagsisimula na sa preventative chemotherapy.

Ipinaliwanag ni Middleton na hindi pa nakita ang cancer nang sumailalim siya sa abdominal surgery noong Enero. NGunit nang magsagawa ng iba’t ibang tests pagkatapos ng kaniyang operasyon ay doon na nakita ang cancer sa kaniyang katawan.

Nagsimulang mag-chemotherapy si Middleton noong Pebrero ngunit hindi na nito isinapubliko kung anong klaseng cancer ang mayroon siya.

Ibinahagi rin ng prinsesa na ginagawa nila ng kanyang asawang si Prince William ang lahat upang maayos ito para sa kapakanan ng kaniyang pamilya.

Nahirapan din umano silang mag-asawa na ipaliwanag sa kanilang mga anak ang sitwasyon ng kaniyang kalusugan ngunit sinigurado niya sa mga ito na gagaling din siya.

Humingi rin ng oras, space, at privacy si Middleton.