-- Advertisements --
Sasailalim sa tatlong taon na military training si Princess Leonor ng Spain.
Ayon kay Spanish Defense Minister Margarita Robles, na ang hakbang ay bilang paghahanda sakaling ito ay mamuno sa bansa.
Dagdag pa nito na sa tatlong taon ay bawat taon ay papasok siya sa navy, air force at army ng Spain.
Ito ang aniya ang ginawa ng ama nito bago tuluyang maging hari ng Spain.
Magsisimula ang kaniyang pagsasanay maaring sa Agosto o sa Setyembre kapag natapos na ang pag-aaral niya sa UWC Atlantic College sa Wales.