Balik trabaho na si Prince William matapos ang operasyon ng asawang si Kate ang Princess of Wales at ilang araw matapos na ma-diagnose na may cancer ang amang si King Charles III.
Ayon sa Buckingham Palace na ito ang unang pagkakataon na nakabalik sa trabaho ang 41-anyos na si Prince Williams matapos na operahan sa tiyan ang asawa.
Siya kasi ang nag-alaga sa tatlong anak nila ng 42-anyos na asawa habang ito ay nagpapagaling mula sa operasyon.
Pinangunahan nito ang seremonya na nagbibigay ng state honors sa Windsor Castle at pagkatapos nito ay dumalo siya sa gala dinner sa Ari Ambulance Charity sa London.
Makakasama nito ang kapatid na si Prince Harry na bumaba sa royal duties ng halos apat na taon at nanirahan silang mag-asawa sa California.
Mula ng pumutok ang balita na dinapuan ng cancer si King Charles ay agad na nagtungo sa United Kingdom si Prince Harry mula sa California para gampanan ang ilang mga obligasyon ng ama.
Magugunitang pinayuhan ng doctor ni King Charles III na huwag humarap sa publiko habang nagpapatuloy ang kaniyang gamutan.