LONDON – Pormal nang natapos ni Prince William ang tatlong-linggong attatchment sa kanilang security at intelligence agencies na MI5, MI6 at GCHQ.

Sinimulan ni William ang kanyang assignment sa Secret Intelligence Service, o mas kilala bilang MI6, sunod ang isang linggong attachment sa security service na MI5, at nagtapos sa GCHQ.

Ayon kay William, “humbling experience” para sa kanya ang karanasan sa loob ng kanilang security at intelligence agencies.

Mas naintindihan pa raw niya sa ngayon ang kontribusyon na naiiambag ng mga ito sa kanilang national security.