-- Advertisements --

Binisita ni Prince Willian ang asawang si Kate ang Princess of Wales matapos na sumailalim sa abdominal surgery.

Ayon sa Kensington Palace na ang 42-anyos na Princess of Wales ay kasalukuyang nagpapagaling sa London Clinic.

Naging matagumpay ang kaniyang operasyon at pinayuhan ito ng doctor na manatili sa pagamutan ng hanggang 14 na araw.

Dagdag pa nila na hindi naman cancerous ang nasaibng kodisyon nito na agad namang babalik sa mga public engagement pagkalabas sa pagamutan.

Naging maayos naman ang kalagayan ni King Charles III ilang araw bago ang pagsasailalim sa gamutan ng kaniyang enlarged prostate.

Sinabi ni Queen Camila, na malakas ang pangangatawan ng hari ilang araw bago ang gamutan nito.