Dumating na sa United Kingdom si Prince Harry mula sa kaniyang bahay sa California para makasama ang ama na si King Charles III na na-diagnosed na may cancer.
Ayon sa Buckingham Palace na mag-isa lamang ito ng bumiyahe at iniwan niya sa California ang asawang si Meghan at mga anak na sina Prince Archie at Princess Lilibeth.
Una ng sinabi nito na kahit may tampuhan sila ng ama ay hindi niya pa rin ito pababayaan kaya nagmadali itong bumiyahe sa UK para makasama ang 75-anyos na monarch king.
Ang Prince ow Wales ay nakatakdang gaganap sa ilang mga trabaho ng hari habang sumasailalim sa gamutan ang ama.
Siya kasi ang nakatakdang magmamana ng trono dahil sa pinaka-senyor ito sa Royal family.
Patuloy pa rin ang pagdating ng mga bulaklak at mga well-wishers card mula sa kanilang mamamayan sa Clarence House ang bahay ni King Charles.
Magugunitang ipinayo ng doktor ni King Charles III na dapat ay iwasan muna ang makiharap sa publiko habang ito ay sumasailalim sa gamutan ng kaniyang cancer na nadiskubre noong ito ay nagpatingin sa kaniyang lumalaking prostate.