Fausto Edgar Benigno Peralta

Agad isinailalim sa inquest proceedings ang naaresto at pangunahing suspek sa pagpatay sa Cebu-based lawyer na si Atty. Joey Luis Wee habang nagtatago ito sa kanyang apartment sa Cabuyao, Laguna.

Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC)-Director Eric B. Distor ang suspek na siya mismong pumatay kay Atty. Wee ay si Fausto Edgar Benigno Peralta.

Ang suspek ay positibong kinala ng asawa ng biktimang si Atty. Marilevi Lim Wee sa isinagawang pag-aresto ng PNP.

Napaslang ang abogadong si Wee noong November 23, 2020 habang papunta ito sa kanyang opisina sa Kasambangan, Cebu City.

Matapos barilin ay isinugod pa si Wee sa ospital pero agad din itong binawian ng buhay dahil sa dalawang tama ng bala.

Sa ngayon nanatiling at large ang ilan pang suspek ka kinabibilangan nina John Raymond Cabantao Suarez alyas Randy Benito Palparan at ilan pang John Does.