-- Advertisements --

Pinalawig pa ang price freeze para sa basic goods o mga pangunahing bilihin hanggang sa Mayo 10, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ito ay kasunod ng mga kasunduan sa pagitan ng manufacturers at retailers.

Matatandaan, inisyal na itinakda ang price freeze hanggang sa Abril 30.

Ayon kay Trade Secretary Maria Cristina Aldeguer-Roque, pumayag ang mga manufacturer at retailers na palawigin pa ang price freeze para sa basic necessity at prime commodities, base sa kanilang pinakabagong pagpupulong.

Naisakatuparan ang pagpapalawig ng price freeze matapos ang mga konsultasyon sa industry stakeholders, bilang parte ng pagsisikap na mapanatili ang stable na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Nakikita naman aniyang nakatulong ang pagbaba ng presyo ng langis sa desisyon na walang paggalaw sa mga presyo ng mga basic good.