-- Advertisements --
image 54

Simula Martes, September 5, ay magkakabisa na ang executive order ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na naglalagay ng price ceiling sa presyo ng bigas.

Ipinag-utos ng Executie Order No. 39 ni Marcos ang price cap na P41 kada kilo para sa regular-milled rice at P45 kada kilo para sa well-milled rice.

Inaprubahan ni Marcos ang magkasanib na rekomendasyon ng Department of Agriculture at Department of Trade of Industry na magtakda ng price ceiling sa bigas sa bansa sa gitna ng pagtaas ng presyo nito.

Nasa P45 hanggang P70 ang kasalukuyang presyo ng bigas kada kilo. Inatasan din ni Pangulong Marcos Jr. ang mga tanggapan ng gobyerno na sama-samang subaybayan ang presyo ng bigas sa pamamagitan ng pagbisita sa mga wet market, supermarket, bodega, at storage area upang epektibong maipatupad ang kautusan at maiwasan ang hoarding, profiteering, at iba pang ilegal na aktibidad.

Nauna nang hinimok ni Marcos ang publiko na mag-ulat sa mga awtoridad sakaling may nagtitinda at etailers na hindi sumusunod sa ipinag-uutos na price ceiling sa bigas