-- Advertisements --

Nananatiling matatag ang presyo ng mga bangus at tilapia sa National Capital Region.

Kasunod ito sa naging ulat ng Department of Agriculutre na mayroong P30 na pagtaas sa presyo ng mga freshwater fish sa kasagsagan ng closed fishing season.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa ginawa nilang monitoring sa 10 mga pangunahing palengke sa Metro manila ay ibinebenta sa P180 kada kio ang medium-sized na bangus mula sa Bulacan at Pangasinan.

Habang ang mga tilapia na galing sa Batangas at Pampanga ay ibinebenta ng P120 kada kilo.

Bumaba rin ang farmgate price ng tilapia na ngayon ay nasa P85 hanggang P88 kumpara noong nakaraang mga linggo na mayroong P90 hanggang 93 kada kilo.