-- Advertisements --
product jpeg 500x500

Nakita ng Department of Agriculture ang pagtaas ng presyo ng patatas sa maraming bahagi ng bansa.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, posibloeng dulot ito ng mga nagdaang bagyo at iba pang kalamidad sa maraming bahagi ng buong bansa.

Tiniyak naman ni Asec De Mesa na tinitingnan nila ang bagong sitwasyon kasabay ng pagsigurong bababa rin ito sa mga susunod na araw dahil sa inaasahang pagtaas ng supply ngayong harvest season,

Ani De Mesa, posibleng mag-normalized din ang presyuhan sa susunod na mga buwan.

Batay sa record ng DA, ang peak ng harvest season ng patatas ay mula sa kasalukuyang kwarter hanggang sa unang kwarter ng 2024.

Sa mga nabanggit na buwan, tinitiyak ng opisyal na madadala na sa mga merkado sa buong bansa ang mga bagong-ani na patatas, lalo na ang mga galing sa mga taniman sa Cordillera at iba pang malalaking suppliers sa buong bansa.

Batay sa monitoring ng DA ang average price ng patatas ay mula p140 hanggang P240 sa bawat kilo.