Umabot lamang sa 14.98 pesos ang presyo ng kada kilo ng palay noong nakaraang taon.
Ang datos na ito ay batay pa rin sa isinagawang pag-aaral ng Philippine Statistic Authority.
Ayon sa ahensya , nakapagtala ang Central Visayas ng pinakamataas na production cost ng palay sa nasabing taon na umabot sa P22.48 kada kilo.
Naitala naman ang pinakamababang production cost ng palay Central Luzon na sumadsad sa P12.85 .
Batay sa pagtataya ng PSA, kumikita ang mga magsasaka ng 20 sentimo sa kada 1 na puhunan ng mga ito sa pagtatanim ng Palay.
Samantala, naiulat naman ang pinakamataas na kita ng mga magsasaka sa Northern Mindanao na umaabot sa 44 sentimo kada net profit cost ratio.
Sa Central Luzon naman ay pumalo sa 41 sentimo at ang SOCSARGEN ay nakapagtala ng pinakamataas na kita na umabot sa 31 sentimo.