KALIBO, Aklan — Dahil sa presyo ng pagkain kaya’t patuloy ang pagtaas ng inflation rate sa lalawigan ng Aklan.
Nabatid na noong nakaraang Setyembre ay umabot na sa 6.7% ang inflation rate sa lalawigan mula sa 6.3% noong Agosto 2022.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas ito sa 0.1% percent inflation noong September 2021, at ang pinakamataas noong January 2019.
Isa ang pagkain sa nakapag-ambag ng malaking porsyento sa pagtaas ng mga bilihin na umabot sa 9.9 percent mula sa 9.4 percent noong Agosto.
Umakyat rin sa 4.7% mula sa 4 percent ang housing, water, electricity, gas at ibang fuels habang ang mga damit at footwear naman ay sumipa sa 2.4 percent.
Nagkaroon din ng pagtaas sa mga alcoholic beverage na umabot sa 9.4% mula sa dating 8.5 percent, personal care at miscellaneous products, mula 0.7 to 1.1; health, 3 to 3.4; at furnishings at iba pang household maintenance products sa 7.5%.
Samantala, sumadsad naman ang year-to-year inflation para sa transport commodities mula sa 9.9% noong Agosto sa 9.7% nitong Setyembre.