-- Advertisements --
image 468

Tumaas ang presyo ng mga gulay at isda sa merkado kasunod ng pananalasa ng bagyong Egay sa mga probinsiya sa Northern Luzon.

Sa may Kamuning market, ang presyo ng gulay gaya ng bell pepper, repolyo, carrots, kamatis at patatas ay lahat tumaas ng hanggang P50 kada kilo.

Ayon sa mga tindera, karamihan sa mga gulay na kanilang ibinibenta ay mula sa Baguio na matinding sinalanta din ng nagdaang super typhoon.

Ayon sa Department of Agriculture, inaantay pa nito ang update sa kabuuang pinsalang iniwan ng bagyong Egay sa mga pananim sa Cordillera region.

Samantala, pagdating naman sa mga ibinibentang isda, ang presyo ng galunggong at tilapia ay tumaas din dahil sa pahirapang makakuha ng suplay sa ibang pang uri ng ibinibentang isda.

Bagamat karaniwan ng tumataas ang presyo ng mga bilihing isda kapag ganitong tag-ulan dahil sa pinaiiral na fishing ban dahil mapanganib ang pamamalaot lalo na kapag ganitong masama ang lagay panahon.

Sa kabila naman ng epekto ng bagyo sa sektor ng agrikultura, hindi aniya naman gaanong apektado dito ang suplay at presyo sa merkado.

Sinabi din ng DA na nagtabi ito ng nasa P1 billion quick response fund para sa bagyo at el nino.